Pumunta sa nilalaman

Maligayang pagdating sa Wikipedia!

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Napiling artikulo

Kim Il Sung
Kim Il Sung

Si Kim Il-sung (Abril 15, 1912 – Hulyo 8, 1994), ipinanganak na Kim Song-ju, ay isang Koreanong rebolusyonaryo, militar, at politiko na kilala bilang pigurang tagapagtatag ng Hilagang Korea at unang kataas-taasang pinuno nito. Namahala siya mula sa pagkalikha ng bansa noong 1948 hanggang sa kanyang pagkamatay nang 1994, kung kailan hinalinhan siya ng kanyang panganay na anak na si Kim Jong-il. Naglingkod siya bilang unang premiyer at tanging pangulo ng Hilagang Korea, Tagapangulo at Pangkalahatang Kalihim ng Partido Manggagawa ng Korea, at Kataas-taasang Komandante ng Hukbong Bayan ng Korea. Inilahad niya ang pilosopiyang Juche, ang pampamahalaang ideolohiya ng Hilagang Korea na nakabatay sa sosyalismo, pag-asa sa sarili, at nasyonalismong Koreano. Isinilang sa isang Kristiyano at aktibistang pamilya sa panahon ng paglupig sa Korea, naging gerilyang anti-Hapones si Kim sa kanyang pagkabata. Naimpluwensyahan siya ng mga makakaliwang ideolohiya at sumali sa mga organisasyong radikal tulad ng Partido Komunista ng Tsina. Matapos mahati ang tangway sa wakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naglingkod siya bilang pinuno ng pamahalaang probisyonal sa sonang Sobyetiko at nangasiwa sa pagkatatag ng kasalukuyang estado ng Hilagang Korea. Pinasimuno niya ang pagsalakay sa Timog Korea noong 1950 na humantong ng Digmaang Koreano, na tumigil noong 1953 sa pagkapatas at armistisyo.

Alam ba ninyo ...

  • ...na ang Bantayog ni Bonifacio ay pinagpupugayan bilang isa sa pinakamahusay na monumento sa buong mundo?

Napiling larawan

Ang Santa Francesca Romana (Italyano: Basilica di Santa Francesca Romana), na dating kilala bilang Santa Maria Nova, ay isang simbahang Katoliko Romano na matatagpuan sa tabi ng Porong Romano sa rione Campitelli sa Roma, Italya.

May-akda ng larawan: Diego Delso

Patungkol

Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman. Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ng Creative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.

Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.

Sa ngayon, mayroon ang Wikipediang Tagalog na:
49,749
artikulo
268
aktibong tagapag-ambag

Paano makapag-ambag?

Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.

Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan

Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.

Kaganapan

  • Isang lindol na may lakas na Mw 7.8, na ang episentro ay nasa karagatan sa tapat ng Maasim, ang yumanig sa Mindanao, Pilipinas. Naramdaman din ito hanggang sa Leyte, sa mga lalawigan ng Hilagang Maluku at Hilagang Sulawesi sa Indonesya, at sa Sabah sa Malaysiya. Hindi bababa sa 35 katao ang nasawi, mahigit 200 ang nasugatan, at 12 ang nawawala (nakalarawan ang pagguho ng lupa sa Saranggani).
  • Naitala rin ang mga sunami sa Guam, Palau, at ilang bahagi ng Indonesya, Hapon, at Pilipinas. Binawi ng Pacific Tsunami Warning Center (PTWC, o Sentrong Pambababala ng Sunami sa Pasipiko) ang babalang sunami nito para sa Guam at sa Hilagang Kapuluang Mariana, habang inalis naman ng mga ahensiya sa Australya, Malaysiya, at Nuweba Selandiya ang kani-kanilang mga babala. Kalaunan, kinumpirma ng PTWC na lumipas na ang banta ng sunami ilang oras matapos ilabas ang babala para sa ilang bahagi ng Karagatang Pasipiko.
  • Iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos ng Pilipinas ang pagsuspinde ng mga klase sa mga lugar na naapektuhan ng lindol sa buong Mindanao. Nagkataon itong unang araw ng bagong taong panuruan sa bansa.

Sa araw na ito (Oktubre 2)

Oktubre 2

Guniya
Guniya

Mga huling araw: Oktubre 1 — Setyembre 30 — Setyembre 29