Wikipedia:Mga huling idinagdag
| Alam Ba Ninyo? (T:ABN) |
|---|
| Gabay (WP:ABN-gabay) |
| Paghahanda (WP:ABN-handa) |
| Susunod (WP:ABN-sunod) |
| Mungkahi (WP:ABN-mungkahi) |
| Supnayan (WP:ABN-supnay) |
| Sinupan (WP:ABN-sinop) |
Ito ang mga huling bagong artikulo sa Wikipedia na napili sa Unang Pahina bilang bahagi ng Alam ba ninyo? Tingnan ang mga bagong pahina para sa kumpletong tala ng mga bagong pahina. May sinusunod na panuntunan ang Wikipediang Tagalog hinggil sa pagdagdag sa "Alam ba ninyo?", subalit maaaring magdagdag ang kahit sino basta ba susundin ang panuntunan na ito. Maaari mong ilagay o idagdag ang iyong mungkahing paksa (ito ang pangalan ng pahina o ang pamagat ng artikulo) at pamukaw na tanong sa paghahanda at mga mungkahi para sa Alam Ba Ninyo? ng mga maaaring gamitin para sa "Alam ba ninyo?". Doon sa handaang iyon kumuha ng pamalit na pangkat para sa Unang Pahina. Basahin sa ibaba kung ilan ang dapat na laman ng bawat pangkat. Pero, inuulit po lamang, na pakibasa muna ang mga hakbang at panuntunan na nasa ibaba bago ito gawin. O, kaya maaaring magmungkahi muna kayo sa Usapan hinggil sa mungkahi at paghahanda para sa Alam Ba Ninyo?.
Mga hakbang at panuntunan
Ito hakbang at panuntunan sa pagdagdag ng paksa sa "Alam ba ninyo?":
Unang hakbang: Pumili
- Tumingin ng mga bagong pahina sa Natatangi: Mga Bagong Pahina (o Special:Newpages) para maidagdag.
- Dapat na may sanggunian ang artikulo o lathalain. Kung wala pa, pakihanapan at pakilagyan.
- Bilang tulong at ambag sa Tagalog na Wikipedia, pumili o magsulat po sana ng artikulong hindi bababa sa 3,000 titik o karakter (mga 4 kilobyte) ang nilalaman ng katawan ng artikulo hindi kabilang ang pamagat o pangalan ng pahina, mga pamagat ng seksiyon, mga titik na nasa sanggunian, kawing na panlabas, mga kapsyon ng larawan, mga kahon ng impormasyon (infobox), talaan, tabla, kategorya, at mga katulad. Isa lamang pong mungkahi at panukala ang mga ito para sa kapakanan ng mga mambabasa at tagagamit ng Tagalog na Wikipedia. Maaari mong bilangin ang mga nilalamang titik ng iyong artikulo sa pamamagitan ng pagkopya nito patungo sa isang pahinang pandokumento ng Microsoft Word sa tulong ng Tools (kasangkapang-kagamitan) kung saan matatagpuan ang word count o pambilang. Maaari ka ring gumamit ng ibang programa na pangkompyuter, kung ibig. Sa ibang paraan ng pagpapaliwanag: mas mainam ang mahigit sa isang dangkal na haba ng lathalain kaysa kalahating dangkal lamang. Mas lalong nakaaangat ang lampas pa sa dalawang dangkal.
- Kung minsan, maaari pa rin kayong makakita ng maiikling artikulo sa "Alam ba ninyo?", depende sa bilang ng mga kandidato sa loob ng isang panahon. Sa kasong iyon, hinihiling po na tumulong kayo sa pagpapahaba, pagpapalawig, at pagpapaunlad ng artikulo hanggang sa maabot o malampasan ang hinihinging bilang, maging ang kalidad. Lalo na kung usbong (stub) pa ito. Ngunit talaga pong higit na mas mainam kung umabot na sa bilang at pamantayan ang artikulo bago ito mailagay dito sa Alam Ba Ninyo? dahil mas nakatutulong na sa tagabasa.
- Dapat na nakapupukaw ng pansin ang pamukaw na tanong na gagamitin (tingnan ang mga halimbawang nasa supnayan na nasa ibaba).
- Hindi isang pangkalahatang seksiyon ng tribya (trivia) ang "Alam ba ninyo?".
- Ninumungkahi na dapat nasa loob ng nakaraang 30 araw (isang buwan) ng Mga Bagong Pahina ang artikulo na idadagdag. Hindi mahigpit ang pagsasali ng lahok sa "Alam ba ninyo?" ayon sa tagal ng pagkakalikha nito basta't hindi ito nauulit.
- Nasa artikulo dapat ang binanggit sa "Alam ba ninyo?"
- Kung minsan, maaaring muling mapili ang isang lumang artikulo, lalo na kung napalawig ito ng may ikatlong ulit ang haba (mungkahi) o higit pa, at may kahalagahan at nakapupukaw ng isipan ang mga nadagdag na kaalamang maipapamahagi nito sa mambabasa.
Ikalawang hakbang: Ilagay ang lahok sa Padron ng "Alam ba ninyo?"
- Kapag handa ka nang idagdag ang lahok, idagdag ito sa Padron:Unang Pahina/Alam ba ninyo. Sa pangkalahatan, nakalimita lamang sa mula TATLO hanggang LIMANG (5) paksa, ngunit kung anumang kaso maaaring mahigit dito ngunit hindi lalampas sa WALO (8). Siguraduhin lamang na susukat ito sa pahina noong mga panahong iyon. Gamitin ang inyong sintido kumon o "karaniwang kaisipan".
- Kailangang may larawan ang isa sa mga lahok at ipahawatig na ito ay nakalarawan sa pamamagitan ng paglalagay ng teksto ito na naka panaklong – (nakalarawan). Nasa 100px lamang ang laki ng larawan.
- Dapat naka-'''BOLD''' ('''MAKAKAPAL ANG MGA TITIK''') ng titulo ng bagong dinagdag na paksa sa "Alam ba ninyo?"
Ikatlong hakbang: Maglagay ng tag sa usapang pahina
- Pagkatapos ilagay ang lahok, lagyan ng tag o tatakan ng {{Suleras:AlamBaNinyoUsapan}} ang pahina ng usapan ng artikulo bilang rekord.
- Halimbawa: {{Suleras:AlamBaNinyoUsapan|Setyembre 3|2007}}
- .
Ikaapat na hakbang: Magpadala na abiso sa lumikha. Opsiyonal kung sariling-gawa
- Bukod sa itaas, maaari mong padalhan ng isang mensahe ang may-akda o nagsimula ng artikulo sa pamamagitan ng paggamit ng suleras na ito: {{subst:AlamBaNinyoUsapan2|Abril 3|2008|Pangalan ng artikulo}} --~~~~ (nagmula sa: {{Suleras:AlamBaNinyoUsapan2}}), upang maipagbigay-alam sa may-akda ang pagkakapili ng kaniyang artikulo. Kung sakaling wala pang panagutan ang nag-ambag ng artikulo, ipadala pa rin ang mensahe upang mahikayat siyang gumawa ng sariling akawnt. Huwag mong kalimutang lumagda sa pahina ng usapan ng pinagbigyan ng mensahe. Ganito ang mababasa ng pinadalhan ng mensahe:
- Opsyonal ito kung artikulo mo ang nilalahok mo.
Ikalimang hakbang: Idagdag ang naidagdag sa supnayan
- Idagdag dito sa supnayan sa ibaba ang mga paksang tinanggal (ayon sa petsa: buwan at taon) - dahil nagamit na - para sa "Alam ba ninyo?". Pakiusap, maglagay ng patlang o puwang sa pagitan ng bawat pangungusap.
- Nilalagay na sa mga sinupan (ayon sa taon; nasa ibaba, sa gawing kanan) ang mga dating nasupnay dito sa ibaba kapag tapos na ang kasalukuyang taon, o kung masyado nang mahaba ang tala ng supnayan sa ibaba.
Supnayan ng mga napiling Alam ba ninyo?
|
2025 · 2024 · 2023 · 2022 · 2021 · 2020 · 2019 · 2018 · 2017 · 2015 · 2014 · 2013 · 2012 · 2011 · 2010 · 2009 · 2008 · 2007 · 2006 · 2005 |
Alam ba ninyo...
Oktubre 2026
- ...na ang diyalektika ay pinaunlad ng mga pilosopong Aleman gaya nina Kant, Hegel, at Marx at Engels?
- ...na ilan sa mga simulain ng mga robot ay mula sa mga mitolohikong paglalarawan ng mga artipisyal na tao gaya ng Galatea, Talos, at automaton?
- ...na itinutulak ng AGHAM ang hustisya hinggil sa pagkamatay ni Dr. Leonard Co?
- ...na ang isa sa mga pinakamamainit na derby sa Italyanong futbol, ang ribalang Juventus FC at SSC Napoli, ay sumasalamin sa mga tunggalian ng Hilaga at Katimugang Italya?
- ...na ang adbokasiya ni Miss USA 2022 Morgan Romano ay ang pagtataguyod ng kababaihan sa larangan ng STEM?
- ...na ang Noli ang luklukan ng Republika ng Noli, isa sa mga republikang pandagat?
- ...na ang lumang estrukturang Gusaling First United sa Kalye Escolta ay napapanatili sa pamamagitan ng mapang-angkop na muling paggamit?
- ...na ang Bantayog ni Bonifacio ay pinagpupugayan bilang isa sa pinakamahusay na monumento sa buong mundo?
Setyembre 2026
- ...na sa Casa Hacienda de Mandaloya ibinunyag ng isang Katipunero sa isang paring Agustinong kura paroko ng Simbahan ng Tondo ang lihim na pag-iral ng Katipunan, na nagbunga ng napaagang hayag na deklarasyon ng Rebolusyong Pilipino?
- ...na biktima ng pekeng balita sa pamamagitan ng lumilikhang AI si Kong. Renee Co ng Kabataan Partylist, na ipinamukha siyang kapamilya ng kontrobersiyal na si Kong. Zaldy Co?
- ...na ang mga serye ng mga laro sa computer na Age of Empires at Age of Mythology ay kapuwa matagumpay sa komersiyo at sa mga kritiko?
- ...na tinatrato ng materyalismong istoriko nina Marx at Engels ang tunggalian ng uri bilang pangunahing mekanismo ng pagbabago sa kasaysayan, kung saan nangyayari ang mga himagsikang panlipunan kapag sa loob ng moda ng produksiyon, ang umiiral na mga relasyon sa produksiyon ay humadlang sa pag-unlad ng mga puwersa ng produksiyon?
- ...na ibinenta ni Jiro Manio ang kaniyang tropeo mula sa Gawad Urian, bagay na napanaluhan niya bilang ang pinakabatang nagwagi bilang 'Pinakamahusay na Aktor' sa edad na 12?
- ...na ang Ilog Irawadi ay dumadaloy sa mga makasaysayang kabeserang Birmano gaya ng Bagan, Mandalay, Amarapura, at Ava?
- ...na ang mga comune ng Fiumefreddo di Sicilia, Forza d'Agrò, Motta Camastra, at Savoca ay nagsilbing mga lokasyon ng Corleone para sa pelikulang The Godfather sa ilalim ng direksiyon ni Francis Ford Coppola?
- ...na ang Bundok Kenya ay mahalagang aspekto sa buhay at kultura ng mga pangkat etniko gaya ng Kikuyu, Meru, Embu, at Maasai?
Mayo 2026
- ...na sa negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng Pamahalaan ng Republika ng Pilipinas at Pambansang Demokratikong Prente ng Pilipinas, ang unang nakalataga sa talaan ng mga kasunduan ay ang paggalang sa pandaigdigang makataong batas ng dalawang panig na nagdirigmaan?
- ...na ang mga villa gaya ng kanila emperador Adriano at Trajano ay bukod sa pampahingahan, ay marahil nagsilbi ring paminsang tanggapan?
- ...na ang mga Kipot ng Turkiya, na kinabibilangan ng mga anyong-tubig ng Dardanelos at Bosforo, pati ang Dagat ng Marmara, ay bumubuo ng isang hangganang lupalop ng Asya at Europa?
- ...na ang mga Kuweba ng Ajanta, mga Kuweba ng Ellora, Muog ng Agra, at Tāj Mahal ang unang apat na itinala bilang bahagi ng mga Pandaigdigang Pamanang Pook sa India?
- ...na ang Templo ng Mundeshwari, matatagpuan sa mga talampas ng Kaimur at alay sa diyosang si Durga at sa diyos na si Shiva, ay inaangking pinakamatandang gumaganang templong Hindu?
- ...na ang mga aktibista sa Pilipinas, bilang pagprotesta laban kay Trump, ay nagsunog ng epihiyeng anyong fidget spinner na tinawag na fascist spinner?
- ...na ang Simbahan ni San Porfirio at Dakilang Masjid sa Lungsod Gaza ay ilan sa maraming pook-sambahang napinsala buhat ng nangyayaring digmaan sa Palestina?
Abril 2026
- ...na ang mga unang nanirahan sa Roma ay mga Italikong Latin?
- ...na ang Digmaang Daang Taon ay bunsod ng tunggalian hinggil sa Dukado ng Aquitania?
- ...na ang Pandaigdigang Pamanang Pook na Cinque Terre, na nangangahulugang 'Limang Lupain', ay tumutukoy sa mga bayan at nayon ng Monterosso al Mare, Vernazza, Corniglia, Manarola, at Riomaggiore?
- ...na ang Pilipinas ay ang kauna-unahang bansa sa mundo na nagdeklara ng krisis sa enerhiya bunga ng digmaan sa Iran noong 2026?
Marso 2026
- ...na ang dating konserbatibo na ang hinaharap na santo na si Padre Óscar Romero ay tatalima sa teolohiya ng pagpapalaya bunsod ng pagpaslang ng militar sa kaniyang kaibigang si Padre Rutillo Grande?
- ...na ang hinihinalang pinagmulan ng tiramisù, ang Treviso, ay tinirhan ng mga Veneto bago ang pananakop ng mga Romano?
- ...na ang Palasyo ng Golestan sa Teheran ay isa sa mga Pandaigdigang Pamanang Pook na nadamay buhat ng nangyayaring Digmaan sa Iran?
- ...na naimpluwensiya si Haring Susenyos I ng Etiopia na maging Katoliko sa pamamagitan ni Padre Pedro Páez?
- ...na ang Sundarbans ay isang kagubatan ng bakawan na nabuo sa tagpuan ng mga ilog Ganges, Brahmaputra, at Meghna?

