Pumunta sa nilalaman

Gusaling First United

Gusaling First United
Patsada ng Gusaling First United (kanan)
Map
Iba pang pangalanGusaling Perez-Samanillo
Pangkalahatang impormasyon
KatayuanNatapos
UriCommercial
Estilong arkitekturalArt deco
Pahatiran413 Kalye Escolta
Bayan o lungsodBinondo, Maynila
BansaPilipinas
Mga koordinado14°35′55″N 120°58′46″E / 14.5987°N 120.9794°E / 14.5987; 120.9794
Natapos1928
May-ariSylianteng family
United Coconut Planters Bank
Tanco family
Disenyo at konstruksiyon
ArkitektoAndres P. Luna, FPIA

Ang Gusaling First United (lit. Unang Nagkakaisa), dating kilala at karaniwang tinutukoy pa rin bilang Gusali ng Perez-Samanillo, ay isang gusaling Art Deco sa Kalye Escolta sa Binondo, Maynila, Pilipinas. Ito ay dinisenyo ni Andrés P. Luna, ang anak ng kilalang pintor na si Juan N. Luna, at ito ang pinakamataas na gusali sa Maynila nang matapos ito noong 1928.[1]

Mga unang taon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Plaque which reads: PEREZ-SAMANILLO BUILDING BUILT BY LUIS PEREZ SAMANILLO BASED ON THE ARCHITECTURAL DESIGN OF ANDRES LUNA DE SAN PEDRO, 1928. AWARDED THE MOST BEAUTIFUL OFFICE BUILDING BY THE CITY GOVERNMENT OF MANILA, 1928. ACQUIRED BY FIRST UNITED BUILDING CORPORATION, 1968. ONE OF THE REMAINING STRUCTURES IN ESCOLTA BUILT DURING THE 20TH CENTURY.
Panandang kasaysayan na inilagay noong 2018

Ang Gusaling First United, na kilala rin bilang Gusaling Perez–Samanillo, ay itinayo noong 1928 para kay Luis Perez Samanillo noong panahong ang Escolta ay itinuturing na isang sentro ng pananalapi. Lumipat ang Erlanger & Galinger, at ang Kompanyang Hale Shoe sa gusali noong Pebrero 1928, at sinundan ito ng tindahan ng mga panindang gawa sa katad na Riu Hermanos. Noong 1936, nagtayo ng tindahan ang Berg's Department Store sa ground floor ng gusali. Ang Gusaling Perez–Samanillo ay naglaman din ng mga misyong diplomatiko kung saan ang mga konsulado ng Pransiya at Panama ay naging mga nangungupahan ng gusali noong 1933.[2]

Ang gusali ay naiwang lubhang napinsala matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ngunit kalaunan ay naayos.[2] Noong 1951, binili ng negosyanteng Tsino na si Sy Lian Teng ng pamilyang Sylianteng ang Berg's mula sa orihinal nitong may-ari na Aleman, si Ernest Berg.[3]

Gusaling First United

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Gusaling Perez-Samanillo ay ipinagbili noong bandang 1964[2] Binili ito ni José Cojuangco, na nagmamay-ari ng United Bank at nangungupahan sa gusali, noong 1968. Hawak ng mga Cojuangco ang gusali sa loob ng 11 taon. Noong 1979, ang mga bahagi ng gusali ay nakuha ni Danding Cojuangco at ng pamilyang Sylianteng.[3]

Looking down the middle of a stairwell
Hagdanan sa loob

Noong dekada '70 hanggang '80, ang gusali ay naging tahanan ng iba't ibang studio ng produksiyon ng pelikula tulad ng RVQ Productions ng komedyanteng si Dolphy (1974–2012), Nora Villamor (NV) Productions ng aktres at prodyuser na si Nora Aunor (1973–1985), GC Films na iniuugnay kina Rolando at Gabby Concepcion (1982-1984), at Essex Films ni Danny Zialcita.[2] Ang Berg's Department Store, isang pangunahing palatandaan sa Escolta, ay nagsara noong 1982.[4][3]

Gumawa ng malay na pagsisikap ang mga Sylianteng upang mapanatili ang gusali sa pamamagitan ng isang pamamaraang " mapang-angkop na muling paggamit" (adaptive reuse).[4] Ang Museong Pampamayanan ng Gusaling First United ay itinatag upang parangalan ang kahilingan ni Sy Lian Teng, ang patriyarka ng pamilya, na magtayo ng isang museo gamit ang kaniyang koleksiyon ng mga lumang larawan at iba pang mga materyales sa arkibal. Binuksan ang museo noong Mayo 2015.[5] Itinatampok nito ang kasaysayan ng Escolta bilang isang pangunahing distrito ng pamimili at pananalapi sa Maynila.[6]

Pagkalipas ng isang taon, ang HUB: Make Lab, isang ingkubasyon para sa mga malikhaing startup na katulad ng Chelsea Market kasama ang Fred's Revolucion, isang bar na pinapatakbo ng mga artista at ang The Den Coffee & Contemporary Culture, isang kapihan at espasyo para sa mga kontemporaryong artista, ay pawang binuksan noong 2016 matapos ang matagumpay na pagsisikap ng Escolta Commercial Association Inc. na buhayin muli ang kalye kasama ang Escolta Block Party na isinasagawa dalawang beses sa isang buwan.[7][8] Naantala ang kanilang operasyon noong panahon ng pandemyang COVID-19 noong 2020 ngunit mula noon, ang HUB: Make Lab at ang mga kapatid nitong nangungupahan ay muling nagbukas ng kanilang operasyon.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ↑ Lico, Gerard (2008). Arkitekturang Filipino: A History of Architecture and Urbanism in the Philippines. Quezon City: The University of the Philippines Press. pp. 329, 338. ISBN 978-971-542-579-7.
  2. 1 2 3 4 Alano, Ching M. (9 June 2019). "Keeping memory alive, one heritage building at a time". The Philippine Star. Nakuha noong 15 September 2021.
  3. 1 2 3 Silvestre, Jojo G. (5 February 2019). "Championing Escolta heritage". Daily Tribune. Nakuha noong 15 September 2021.
  4. 1 2 3 "Escolta is cautiously stirring back to life". Inquirer Lifestyle. 29 August 2020. Nakuha noong 15 September 2021.
  5. ↑ Yu, Anson (31 May 2021). "First United Building Community Museum". Tulay. Nakuha noong 15 September 2021.
  6. ↑ "A small museum tucked away in Old Manila is more than meets the eye". CNN Philippines (sa wikang Ingles). 7 June 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong June 9, 2016. Nakuha noong 15 September 2021.
  7. ↑ Manahan, Tats Rejante (8 May 2019). "Escolta: Former queen of Manila streets becomes the 'Hub'". Inquirer Lifestyle. Nakuha noong 15 September 2021.
  8. ↑ Jaucian, Don (27 May 2016). "An Old Manila space for new business ideas". CNN Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong May 30, 2016. Nakuha noong 15 September 2021.
[baguhin | baguhin ang wikitext]

May kaugnay na midya ang First United Building sa Wikimedia CommonsPadron:Binondo