Katinig sa ngala-ngala
Sa ponetika, katínig sa ngala-ngalá o belár ang mga katinig sa likuran na nabubuo gamit ang likurang bahagi ng dila sa ngala-ngala.[1] Dahil malawak ang bahaging ngala-ngala at hindi rin gaanong katumpak ang paggalaw ng likurang bahagi ng dila, karaniwan itong sumasailalim sa asimilasyon, kung saan maaaring lumipat ang artikulasyon sa mga ito paharap o palikod depende sa kalidad ng mga katabing patinig.[2] Karaniwang humaharap ito kapag sinusundan ito ng isang harapang patinig, at lumilikod kung sinusundan naman ito ng isang likurang patinig.
Uri
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pulmonikong katinig
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nasa talahanayan ang mga katinig sa ngala-ngala na may kaakibat na simbolo sa Internasyonal na Ponetikong Alpabeto. Para sa bawat pares, makikita sa taas ang di-matunog na anyo nito habang matunog naman ang nasa baba.
Di-pulmonikong katinig
[baguhin | baguhin ang wikitext]| Pangalan | IPA | Halimbawa | |||
|---|---|---|---|---|---|
| Wika | Salita | Kahulugan | Bigkas | ||
| Matunog na paloob na katinig sa ngala-ngala | ɠ | Zulu | ukuza | 'dumating' | [uˈɠuːza] |
| Di-matunog na paloob na katinig sa ngala-ngala | ɠ̊ | Uspantek | k'aam | 'kawad' | [ɠ̊aːm] |
| Palabas na katinig na pasara sa ngala-ngala | kʼ | Ingles (Gales) | back | 'likod' | [bækʼ] |
| Palabas na katinig na pasara-sutsot sa ngala-ngala | kxʼ | Xhosa | krola | 'ukitin' | [kxʼola] |
| Palabas na katinig na pasara-sutsot sa ngala-ngala pagilid | k𝼄ʼ | Zulu | umklomelo | 'premyo' | [umk𝼄ʼɔˈmɛːlo] |
| Palabas na katinig na pasutsot sa ngala-ngala | xʼ | Tlingit | xʼáaxʼ | 'mansanas' | [xʼáːxʼ] |
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Ladefoged, Peter; Maddieson, Ian (1996). The Sounds of the World's Languages [Ang mga Tunog ng mga Wika ng Mundo] (sa wikang Ingles). Oxford, Inglatera: Blackwell. ISBN 0-631-19815-6.
- ↑ Stroud, Kevin (Agosto 2013). "Episode 5: Centum, Satem and the Letter C" [Episode 5: Centum, Satem at ang Titik C]. The History of English Podcast (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Agosto 2013.
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Gales
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Igbo
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Yoruba
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Navajo
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Hiw
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Afrikaans
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang North Wahgi
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Archi
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Paraguayan Guaraní
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Zulu
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Uspanteco
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Xhosa
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Tlingit
- Mga katinig
- Ponetikang pang-artikulasyon
- Bigkas