Pumunta sa nilalaman

Katinig sa likurang gilagid

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa ponetika, katínig sa likuráng gilágid o pos-albeyólar ang mga katinig sa harapan na nabubuo gamit ang dila sa likurang bahagi ng bahaging albeyolar sa gilagid.[1] Nakapuwesto ang dila nang mas malayo kesa sa mga katinig sa gilagid ngunit mas malapit pa rin kesa sa mga katinig sa paleta. Sa wikang Tagalog, ito ang mga tunog na [ʃ tʃ dʒ] sa mga salitang siya, tsuper, at diyan.

Pulmonikong katinig

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nasa talahanayan ang mga katinig sa likurang gilagid na may kaakibat na simbolo sa Internasyonal na Ponetikong Alpabeto. Para sa bawat pares, makikita sa taas ang di-matunog na anyo nito habang matunog naman ang nasa baba.

PangalanIPA Halimbawa
Wika Salita Kahulugan Bigkas
Katinig na pailong sa likurang gilagid n̠̊ Perowes einki 'wala' [ˈɔn̠̊t͡ʃɪ]
n̠ Italyano angelo 'anghel' [ˈän̠ʲːd͡ʒelo]
Matinis na katinig na pasara-sutsot sa likurang gilagid t̠ʃ Tagalog tsuper [t͡ʃʊˈpɛɾ]
d̠ʒ diyan [d͡ʒän]
Di-matinis na katinig na pasara-sutsot sa likurang gilagid t̠ɹ̠̊˔ —
d̠ɹ̠˔ —
Matinis na katinig na pasutsot sa likurang gilagid ʃ Tagalog siya [ʃa]
ʒ Eslobako žena 'babae' [ʒena]
Di-matinis na katinig na pasutsot sa likurang gilagid ɹ̠̊˔ Ingles (RP) crew 'kasamahan' [kɹ̝̠̊ʊu̯]
ɹ̠˔ Olandes meer 'lawa' [meːɹ̠˔]
Katinig na palapit sa likurang gilagid —
ɹ̠ Ingles car 'kotse' [ˈkʰɑɹ̠]
Katinig na palapit sa likurang gilagid pagilid —
l̠ Igbo lì 'ibaón' [l̠ì]
Matinding katinig na pakatal sa likurang gilagid —
r̠ —

Di-pulmonikong katinig

[baguhin | baguhin ang wikitext]
PangalanIPA Halimbawa
Wika Salita Kahulugan Bigkas
Palabas na katinig na pasara-sutsot sa likurang gilagid t̠ʃʼ Quechua ch'umpi 'kayumanggi' [t͡ʃʼʊmpɪ]
Palabas na katinig na pasutsot sa likurang gilagid ʃʼ Gullah shew 'mag-ahit' [ʃʼɛw]
  1. ↑ Ladefoged, Peter; Maddieson, Ian (1996). The Sounds of the World's Languages [Ang mga Tunog ng mga Wika ng Mundo] (sa wikang Ingles). Oxford, Inglatera: Blackwell. ISBN 0-631-19815-6.