Dukado ng Aquitania
Ang Dukado ng Aquitania[1] ay isang makasaysayang fiefdom na matatagpuan sa kanluran, gitna, at timog na mga lugar na kasalukuyang nasasakop ng Pransiya, sa timog ng ilog Loire. Ang buong lawak ng dukado, pati na rin ang pangalan nito, ay lubhang nagbago sa paglipas ng mga siglo at kung minsan ay binubuo ang halos lahat ng tinatawag na timog-kanluran (kabilang ang Gascuña) at gitnang Pransiya.
Ang teritoryo ay nagmula noong 507 bilang isang bumubuong kaharian ng Francia matapos masakop ng mga Salio na Franco ang Aquitania kasunod ng Labanan ng Vouillé; ang mga hangganan nito ay kalaunan ay pinagsamang mga lalawigan ng Roma ng Aquitania Prima and Secunda. Bilang isang dukado, ito ay naghiwalay matapos ang pananakop sa malayang dukado ng Aquitano ng Waiofar, na naging isang sub-kaharian sa loob ng Imperyong Carolingio. Ito ay sinakop ng Kanlurang Francia pagkatapos ng paghahati ng Verdun noong 843 at di-nagtagal ay muling lumitaw bilang isang dukado sa ilalim ng Kanlurang Francia. Noong 1153, isang pinalawak na Aquitaine ang nangakong katapatan sa mga haring Angevin ng Inglatera. Bilang resulta, isang tunggalian ang lumitaw sa pagitan ng mga monarkang Pranses at ng mga Angevino sa pagkontrol sa mga teritoryal na pag-aari ng huli sa Pransiya. Pagsapit ng kalagitnaan ng ika-13 siglo, isang pinalawak na Guyena at Gascuña na lamang ang natitira sa mga kamay ng mga Angevino. Sa wakas, sa Digmaang Daang Taon, nasaksihan ng Kaharian ng Pransiya ang ganap na pagkontrol sa Aquitainia noong dekada 1450, kung saan ang karamihan sa teritoryo nito ay direktang isinama sa nasaskupang maharlika ng Pransiya mismo.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maagang kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Gallia Aquitania ay bumagsak sa ilalim ng pamamahala mga Visigodo noong ika-5 siglo. Ito ay nasakop ng mga Franco sa ilalim ni Clodoveo I noong 507, bunga ng Labanan ng Vouillé. Noong ika-6 at unang bahagi ng ika-7 siglo, ito ay nasa ilalim ng direktang pamamahala ng mga haring Frank, na hinati sa pagitan ng mga kaharian nina Childeberto II at Gontran I sa Tratado ng Andelot noong 587. Sa ilalim ni Chlothar II, ang Aquitainia ay muling naging mahalagang bahagi ng Francia, ngunit pagkatapos ng pagkamatay ni Chlothar noong 629, ang kaniyang tagapagmanang si Dagoberto I ay nagbigay ng isang subkaharian sa katimugang Aquitaine sa kanyang nakababatang kapatid na siCariberto II. Ang subkaharian na ito, na binubuo ng Gascuña at ang katimugang gilid ng Aquitainia mismo, ay karaniwang kilala bilang "Aquitaine" at bumubuo ng makasaysayang batayan para sa huling dukado. Matagumpay na nangampanya si Cariberto laban sa mga Vasco, ngunit pagkatapos ng kaniyang pagkamatay noong 632, muli silang nag-alsa, noong 635 ay nalupig ng isang hukbong ipinadala ni Dagobert (na kasabay nito ay napilitang harapin ang isang rebelyon sa Bretaña).
Ang Dukado ng Aquitainia ay itinatag ang sarili bilang isang mala-independiyenteng kaharian sa loob ng imperyong Franco noong ikalawang kalahati ng ika-7 siglo, tiyak na noong 700 sa ilalim ni Odon ang Dakila . Ang unang duke ay naitalang nasa ilalim ng pangalang Felix, at namuno mula noong mga 660. Bilang kaniyang kahalili, si Lupus ay nagkaroon ng maluwag na ugnayan sa mga haring Franco, na namuno nang awtonomiya (princeps ).[2] Hinalinhan ni Odo si Lupus noong 700 at pumirma ng isang kasunduan sa kapayapaan kay Carlos Martel. Nagdulot siya ng matinding pagkatalo sa mga Moro sa Labanan ng Toulouse noong 721.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ (Occitan: Ducat d'Aquitània, IPA: [dyˈkad dakiˈtanjɔ]; Pranses: Duché d'Aquitaine, IPA: [dyʃe dakitɛn])
- ↑ Lewis, pp 400–401 and n127.
Ang artikulong ito ay nagsasama ng teksto mula sa isang lathalatin na nasa dominyong publiko na ngayon: Chisholm, Hugh, pat. (1911). "Aquitaine". Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Bol. 2 (ika-11 (na) labas). Cambridge University Press. pp. 252–253.
Bibliograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Lewis, Archibald R. " The Dukes in the Regnum Francorum, AD 550-751. " Speculum, Vol. 51, Blg. 3. (Hulyo 1976), pp. 381–410.
- Emile Mabille, (1870) Le Royaume D'Aquitaine Et Ses Marches Sous Les Carlovingiens
- Jean Penant, (2009) Occitanie, l'épopée des origines