BREAKING

Foodies on Steroids

Captivating Cebu

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas The National Blog of the Philippines. | Follow us on our social meddia accountsUmalohokan Influencers and Content Creators - workshops and forums for everyone | Influencers Tours - exploring the different cities and municipalities of the Philippines


OFFICIAL CONTACT: [email protected]

Proud Puerto Galera

Magnificent Marikina

Passionate Pampanga

Beautiful Bohol

Captivating Cavite

Precious Palawan

Born to be Pampered

Bountiful Batangas

Zestful Zamboanga

Latest News

Friday, October 30, 2026

PABOR ba kayo na MAGLAGAY ng QR CODE sa bawat proyekto ng Gobyerno?


Rome Corpuz ang Mensahero ng Wazzup Pilipinas 


Wazzup Pilipinas!?




In the spirit of Freedom of Information ay himayin natin.


Layon nito na mapabilis ang pag alam sa nilalaman at kahihinatnan ng Proyekto at ma-Promote ang Transparency and Accoutability.


kabilang sa lalamanin ng QR code ay gaya ng mga sumusunod:


* Project Title

* Project Cost / Duration 

* Bills of Materials 

* Contractors profile

* Implementing agency

* Program of works

* Contact numbers 


Nag bunsod ang panukalang ito matapos na magpatupad ang BIR na kailangang may BIR Seal Badge simula ngayong 2026 ang mga Content Creators at OnLine sellers.


Matatandaan na una nang ipinatupad ng BIR ang Value-Added Tax on digital Services as per Republic Act No. 12023.


Kaya kung ang malayang Pamamahayag bilang content creator at nagnee-negosyo thru online ay papatawan ng Buwis, kailangan na ding patawan ng Buwis ang mga perang inilalabas at NINAKAW lang sa KABAN ng Bayan mula sa Tax ng taumbayan, na nagkakubli sa Proyekto "kuno". via | Rome Corpuz 


#BIRBadge

#Contentcreators

#onLinesellers

#BIRQRCodegovtproject

#KarteroNewstv

#BalitaOpinyonatTalakayan


PABOR ba kayo?

YES or NO & WHY

MALAPIT NANG MAGING KATOTOHANAN ang pagtatayo ng PBA ARENA


Rome Corpuz 

Ang Mensahero ng Wazzup Pilipinas 



Wazzup Pilipinas!?


EXCITED NA BA KAYO?


Good News para sa mga PBA fans, 

MALAPIT NANG MAGING KATOTOHANAN ang pagtatayo ng PBA ARENA....




Noon ay Pangarap, ngayon ay Katotohanan para sa matagal ng plano ng Philippine Basketball Association (PBA) ang magkaroon ng sariling Bahay o isang arena na maituturing  na permanenteng venue ng longest running basketball league sa Pilipinas. 


Ang proyektong ito ay sa pakikipagtulungan sa Philippine Sports Commission (PSC) at University of the Philippines (UP)


Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, patuloy pa ang pag-uusap kaugnay sa Proyektong ito na target itayo sa lupa na pag-aari ng UP sa bahagi ng Commonwealth Avenue, na malapit sa UP-Ayala Land TechnoHub, na may lawak mula sa 3-4 hectares.


Pagtitiyak pa ni Comm. Marcial na malaki ang posibilidad na  matutuloy ang proyektong ito, at ito ay  malaking hakbang para sa kinabukasan ng PBA at ng Philippine basketball.


Dagdag pa ni Komisyuner na nasa yugto pa ng advanced talks ang proyekto. Hindi pa ito nangangahulugang pinal na ang lokasyon o nagsimula na ang konstruksiyon. 


 

#PBA #PBAArena #PBASeason50 #PhilippineBasketball #WillieMarcial 

#PBA #PBAArena #NowWeCanCallItHome

PDLs, NAGDAOS NG ART EXHIBIT SA RTC JUSTICE HALL...


Rome Corpuz 

Ang Mensahero ng Wazzup Pilipinas



Wazzup Pilipinas!?


Bilang paggunita sa National Correctional Consciousness Week 2026 ay isang natatanging pagtatanghal ng mga likhang Kamay ng mga Person's Deprived of Liberty (PDLs) mula sa Valenzuela City Jail Male and Female Dormitory na ginanap sa 2nd floor ng Regional Trial Court Hall, Metropolitan Trial Court Hall sa Valenzuela City. 


Ang exhibit ay nagsimula nitong Oktubre 26, at natapos ngayon araw.


Layunin ng naturang Art Exhibit ang pagpapamalas ng mga Pinta ng mga dati at kasalukuyang PDL's at  upang kilalanin ang kanilang talentong pan-sining, makapagdulot ng inspirasyon ng dignidad at magbigay ng pag-asa sa kanilang hanay. 


Ayon kay Leo Erojia, vice president ng BAGA  o Bagong Buhay Group of Artist, na dati din umano siyang tinaguriang PDL at habang nasa loob ay ginamit niya ang kanyang talento sa pag Pinta upang maging ehemplo at makapagbigay ng inspirasyon sa kapwa niya PDL. 








Nagsimula aniya ang kanilang grupo noong kasagsagan ng COVID 19 Pandemic at magpahanggang sa ngayon ay patuloy sila sa  pagtatanghal ng Art Exhibit sa ibat-ibang lugar. 


Apela ni Erojia sa mga kasalukuyan at dating PDL na ilabas at ipakita at gamitin ang kanilang mga likas na kakayahan at talento upang patuloy na maabot ang bagong yugto ng buhay. 


Nagpapasalamat din siya sa pamunuan ng RTC Justice Hall Valenzuela sa pagbibigay ng pahintulot na makapagtanghal. 


#BAGAartist

#PersonDepriveofLiberty

#RTCHallofjustice

#MetropolitanTrialHall

#ValenzuelaCityJail

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence

Covid-19 Survivor

Award-Winning Blog

 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT